Posted June 26, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
YES FM FILE PHOTO |
Ramdam na ngayon sa isla ng Boracay ang epeko ng malakas na
hangin dulot ng Hanging Habagat.
Kaugnay nito, nagsimula na ring maglagay ng kani-kanilang
wind breakers ang mga beach front establishments.
Apekto kasi ng malakas na hangin ang kanilang operasyon lalo
na ang mga bars at restaurants sa beach front na nagsi-set up ng dinner buffet.
Apektado rin ang mga entertainer katulad ng mga fire dancers
at iba pang stage performers sa gabi, maging ang mga vendors at mga masahista.
Kagaya ng nakagawian, kapansin-pansin ang mga idini-deliver
na kawayang inorder pa sa karatig-bayan ng Malay na siyang gagamitin ng mga
establisemyeto para sa wind breakers.
Magugunita namang nagkasundo ang mga station 1 property
owners at BRTF o Boracay Redevelopment Task Force na magkaroon ng uniform
design para sa mga ilalagay na wind at wave breakers nang ipinatupad ang 25+5
meter easement rule sa Boracay nitong nakaranag taon.
Samantala, itinuturing ng karamihan sa mga negosyante sa
isla na ‘low season’ at ‘mababa ang kanilang kita’ tuwing Habagat Season.
No comments:
Post a Comment