YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 22, 2014

(Update) Bakasyunista, na nalunod habang naliligo sa baybayin ng Boracay; ligtas na

Posted July 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ligtas na ang isang bakasyunista matapos na malunod habang naliligo sa baybayin ng Boracay.

Kinilala ang biktima na si Jayservill Perez, 17 anyos ng Imus, Cavite at nagbabakasyon kasama ang kanyang pamilya sa Boracay.

Ayon sa ulat, naliligo si Jayservill nang may kalakasan ang alon kahapon ng umaga nang makita ng kanyang nakakatandang kapatid na nalulunod.

Agad itong humingi ng tulong sa mga naka-standby na pulis at life guard sa baybayin, kung saan kaagad namang naisugod ang biktima sa ospital at nailigtas.

Samantala, muli namang nagpapaalala ang mga otoridad sa mga bakasyunista at mahilig maligo sa dagat na ibayuhing mag-ingat dahil sa may kalakasan ang alon dulot na rin ng Habagat.

No comments:

Post a Comment