YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 22, 2014

MSWD Malay, aminado sa problema tungkol sa mga batang nagtitinda sa beach front ng Boracay

Posted July 21, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Aminado ang Malay Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa problema tungkol sa mga batang nagtitinda sa isla ng Boracay.

Ayon kay MSWD Head Magdalena Prado, matagal nang napag-uusapan ang nasabing isyu, kung saan padami ng padami ang mga batang nagtitinda sa isla, na pangit din umanong tingnan para sa mga turista.

Ilan kasi sa mga ito ay mapilit sa mga turista na bilhin ang kanilang mga tinitindang gamit at inaabot pa ng gabi sa beach front sa pagtitinda.

Sa kabila nito, sinabi pa ni Prado na tuloy-tuloy ang kanilang isinasagawang mga programa at pagkakaroon ng iba pang mga plano para maisaayos at masolusyunan ang nasabing problema.

Samantala, iginiit naman ni Prado ang kakulangan ng MSWD Malay sa empleyado kung kaya’t may kabagalan rin ang kanilang pagtugon sa mga problema tungkol sa mga bata sa isla.

Dahil dito, nananawagan ngayon ang nasabing ahensya ng kooperasyon sa mga baranggay officials gayundin sa mga magulang ng mga bata na bantayan at bigyan sila ng impormasyon para sa ikakaayos ng problema.

No comments:

Post a Comment