YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 22, 2014

African national, ninakawan sa Boracay; suspek, nakatakas

Posted July 22, 2014
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay

Patuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng Boracay PNP Station hinggil sa pagkakakilanlan ng suspek na nagnakaw sa isang African national sa Boracay.

Base sa sumbong ng Africanong si Frans Schoeman, 38 anyos, nakahiga ito sa loob ng kanyang kwarto sa isang hotel sa Boracay nang makarinig ng lagaslas malapit sa pintuan.

Subalit hindi nya umano ito pinansin at nang ilang sandali pa ay saka muli na naman umano itong nakarinig ng kaparehong tunog.

Nang tingnan ng biktima ang kanyang mesa ay saka na nito nakita ang hindi nakilalang lalaki na kinuha ang kanyang iPhone 5 na cellphone at pera na nagkakahalaga ng isang libong piso.

Tinangka din umano nitong habulin ang suspek, subalit hindi na ito naabutan.

Samantala, sa isinagawa namang follow- up investigation ng mga pulis, nalamang dumaan ang suspek sa harapang pinto ng kwarto at tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa likurang bahagi ng hotel.

No comments:

Post a Comment