Posted July 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinakasan ng isang lalaki ang hindi natapos na trabaho
matapos makakuha ng sapat na bayad mula sa kaniyang amo.
Basi sa report ng Boracay PNP, inirereklamo ni Mary Ann
Contreras, 46-anyos ng Brgy. Manoc-manoc, Malay, Aklan si Arsenio Dagohoy na
umano’y nanloko sa kanila.
Ayon kay Contreras nag-hired umano sila ng installation electric
motor with pump o deep wheel para sa kanilang tirahan sa nasabing lugar.
Nabatid na matapos umano itong makakuha ng sapat na bayad
na nag-kakahalaga ng P34, 000 ay hindi na ito sumipot sa bahay ng mga Contreras
para tapusin ang kaniyang trabaho.
Sinubukan naman ng mga ito na kontakin ang cellphone number
ni Dagohoy ngunit bigo silang matuntun ito.
No comments:
Post a Comment