Posted July 23, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ito ang humagupit sa isla ng Boracay kahapon na nagdulot
ng pangamba sa mga residente at mga turista sa isla.
Napakalakas kasi nito bagay na nagsipagtago sa
pinakamalapit na establisemyeto ang mga naglalakad sa beach front.
Humagupit ang unos mag-aalas 4:00 kahapon ng hapon na
nasaksihan ng mga residente sa Barangay Balabag, kung saan nakunan pa nila ito
ng video.
Natakot din ang mga nakatira malapit sa station 1 main
road nang makita nilang umiikot sa ere ang mga dahong tinangay ng malakas na
hangin.
Ayon pa sa mga ito, nagulat din sila nang biglang nilipad
ng hangin ang tent ng isang establisemyeto doon.
Samantala, tumagal naman ng mahigit dalawang minuto ang
unos na naging dahilan din upang sandaling maputol ang suplay ng kuryente.
Nabatid na ang unos o ‘huntog’ ang siyang madalas
pinangangambahan ng mga bangkero sa isla lalo na kapag may bagyo o panahon ng
Habagat.
No comments:
Post a Comment