Posted July 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Susuriin ngayon ng Environmental Management Bureau
(EMB) ang nangyaring pagbaha nitong nakaraang linggo sa Brgy. Yapak Boracay.
Ito’y matapos na maipaabot sa nasabing ahensya ang
pagkalat sa ilang social networking sites ng mga video at larawan na
nagpapakita na hindi lang basta baha kundi tubig na may kasamang malapot na
putik ang rumagasa sa nasabing Barangay.
Ayon kay Sharon Teodosio ng Environmental
Management Bureau, pupuntahan nila ang nasabing lugar at susuriin kung ano ang
status nito.
Samantala, nabatid naman na napag-usapan sa
isinagawang public hearing ng SB Malay nitong Lunes ang nasabing problema
matapos itong ipaabot ni SB Member Jupiter Gallenero sa kanyang privilege speech
sa sesyon nitong nakaraang Martes.
Ayon kay Gallenero, posible umanong nagmula ang
tubig baha sa ginagawang construction site ng isang resort malapit sa naturang
lugar.
Sinabi pa nito na sa tuwing umuulan ay dumidiritso
pababa ang mad flow dahil sa ginagawang land scape o pagpantay ng lupa sa taas
ng bundok at ang pagtanggal ng mga punong kahoy doon.
Samantala, nagkaroon na rin ng pagpupulong ang
Local Officials ng Brgy. Yapak kasama si SB Member Gallenero at ang mga
malalaking resort sa lugar na posibleng naging dahilan ng mga pagbaha na nagdulot
ng perwisyo sa paaralan ng nasabing barangay.
No comments:
Post a Comment