YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 21, 2014

Mga trabahador sa Boracay, maaaring magkaroon ng ordinansa

Posted July 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Maaaring magkaroon ng ordinansa ang mga trabahador sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos na may nagpaabot kay Vice Mayor Wilbec Gelito tungkol sa umano’y mga trabahador na umiinom at pakalat-kalat sa kalsada hanggang sa magdamag.

Ayon sa bise-alkalde, nakaka-alarma ang nasabing balita dahil hindi umano ito magandang tingnan sa ibang tao lalo na’t sa kalsada nila ito ginagawa.

Nagdudulot din umano ng kapahamakan sa mga dumadaang motorista at pinagmumulan pa ng away ang nasabing gawain.

Samantala, pinaplano naman ng SB Malay na maglagay ng outpost at mga pulis na magbabantay sa isang area ng Barangay Yapak kung saan dito karamihang makikita ang mga umiinom sa kalsada.

Kasalukuyan din itong pinag-aaralan ng LGU Malay at inaasahang tatalakaying muli sa SB Session bago lubusang ipatupad.

No comments:

Post a Comment