Posted July 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inaprubahan na sa Sangguniang Panlalawigan (SP)
Aklan ang supplemental budget ng probinsya para taong 2014.
Sa pamamagitan ng Ordinance No. 001, Series of
2014, nilagdaan nitong 22nd SP Regular Session ang P200 million na pondo
para sa iba’t-ibang mga proyektong pam-imprastraktura at pagbili ng iba pang
kagamitan.
Nabatid na sa pagpasa nito sa SP Aklan ay inendorso
ni Governor Joeben Miraflores na kumuha ng pondo sa nalikom na loan mula sa Land
Bank of the Philippines (LBP).
Kaugnay nito, pagkatapos ng mahabang talakayan,
hinati ni Vice Governor Gabrielle Calizo-Quimpo ang konseho, kung saan pumasa
ito sa boto na 9-1.
Samantala, ilalaan ang nasabing pondo para sa konstruksiyon
ng mga Tanggapan ng Sangguniang Panlalawigan na P45 milyon, P30 milyon para sa Construction
of Commercial building and Academic Center (Phase II), P80 milyon para sa Maintenance/Construction/
dredging Equipment, P25 milyon para sa pagpapabuti ng Capitolyo at Trade Hall
Building, at P8 milyon para sa pagpapabuti ng Cagban Terminal Building sa
Caticlan.
No comments:
Post a Comment