YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 22, 2014

Mga Helmet Diving Operator sa Boracay, muling makikipagpulong sa BRTF kaugnay sa mga komisyoner

Posted July 22, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Muling makikipagpulong sa BRTF o Boracay Redevelopment Task Force ang mga Helmet Diving Operator sa Boracay.

Kaugnay parin ito sa naging problema ng mga nasabing operators matapos umalma ang iba pang water activity operators sa isla.

Iba-iba umano kasi ang rate ng bawat diving establishment, kung saan may nagbabagsak ng presyo, at may gumagamit pa komisyoner.

Kaya naman magugunitang imunungkahi ni BRTF Secretary Mabel Bacani na pag-usapan muna ito ng mga miyembro ng asosasyon para matiyak ang fix rate na iaalok sa turista.

Nakatakda namang magharap-harap sa pagpupulong ang mga nasabing operators at BRTF mamayang hapon.

No comments:

Post a Comment