Posted July 24, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nakakaperwisyo at nakakahiya sa mga turista.
Ilan lamang ito sa mga salita kung paano ilarawan ng
ilang residente ng Barangay Balabag ang mga motorsiklong may maiingay na
muffler o tambutso.
Kasabay din ito ng kanilang panawagan sa mga taga
MAP o Municipal Auxiliary Police na hulihin ang mga nasabing motorsiklo na
namamasada simula hating-gabi hanggang madaling araw.
Maliban kasi sa tila nakikipagkarera at walang
pakialam ang mga ito kung magmaneho, tila hindi naman umano ito inaaksyunan ng
mga MAP.
Si ‘Jay’, isang residente ng Barangay Balabag na
nakatira malapit sa main road.
Sinabi nito na dapat nang aksyunan ng mga MAP ang
perwisyong dulot ng mga maiingay na motorsiklo.
Samantala, magugunita namang nagbabala ang MAP na tatanggalan
nila ng malalakas na tambutso ang mga motorsiklong mahuhuli nila, itatawid sa
mainland at ipapakabit muli ang orihinal na tambutso ng kanilang motor.
Base naman sa Malay Municipal Ordinance No. 144
Series of 2001, isang noise-sensitive zone ang isla ng Boracay kung kaya’t bawal
din ang mga maiingay motorsiklo dito.
No comments:
Post a Comment