Posted July 24, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Engineer Raymundo Gonzales
kaugnay sa naranasang pagbaha sa pangunahing shopping destination sa isla ng
Boracay nitong mga nakaraang linggo.
Ayon kay Gonzales, may dalawang concrete column ang
inilagay sa nasabing drainage kung kaya’t hindi rin makalabas ang tubig mula
rito derecho sa tinatawag na existing out flow ng tubig-ulan.
Ayon naman kay Malay Municipal Engr. Elizer
Casidsid, bahagi ng ipinatayong gusali ng dalawang establisemyento doon ang nasabing
concrete column o haligi.
Magkaganon paman, tumanggi na ring magbigay pa ng
pahayag tungkol dito si Engr. Casidsid.
Samantala, wala namang naging tugon ang TIEZA o Tourism
Infrastructure and Enterprise Zone Authority sa kung ano ang magiging
disposisyon nila sa nasabing existing out flow.
Magugunita ring nilinaw ng TIEZA na hindi na hindi
na nila ito sakop kungdi ng LGU Malay.
Magkaganon paman, ang paggana na lamang umano ng
kanilang pumping station ang inaasahang magiging solusyon sa binahang lugar katulad
ng D’mall na sakop ng phase 1 ng kanilang proyekto.
No comments:
Post a Comment