YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 24, 2012

Taiwanese national sa Boracay, na-ligtas sa pagka-lunod

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ligtas at kasalukuyang ginagamot na rin ngayon sa isang pagamutan sa bayan ng Kalibo ang isang Taiwanese National makaraang mabiktima ito ng pagka-lunod sa Boracay kaninang tanghali.

Ayon kay PO 2nd Condrito Alvares ng Philippine Coast Guard Boracay, naliligo at mayroong swimming activity kasama ang mga kaibigan ng biktimang kinilalang si Waug Yai Meng sa Area ng Station 2.

Hindi alintana umano ng mga kaibigan nito na malayo na pala ang nilangoy at nasa malalim na bahagi na ng dagat si Yai Meng mula sa dalampasigan kaya kamuntik na itong nalunod.

Napag-alama ding may sakit di umano sa puso ang biktima.

Nilapatan naman ng lunas ang nasabing Taiwanese sa isang pribadong klinika sa isla, bago nilipat at dinala sa bayan ng Kalibo para sa karampatang pag-gamot.

No comments:

Post a Comment