Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Mahigit isang buwan na lamang at ipagdiriwang na ng mga
Katoliko ang Mahal na Araw bilang paggunita sa pagkamatay at muling pagkabuhay
ni Kristo Jesus.
Kung saan, sa Boracay, ay nanga-ngahulugan na naman ito ng
pagdagsa ng mga turista lalo pa at Summer Season na rin.
Gayon pa man para mabigyang panahon ang mga nagninilay-nilay
na Katoliko sa pagdiriwang ng Araw na ito.
Walang pag-alin langang isinusulong parin ngayon sa
Sangguniang Bayan ng Malay ang Municipal Ordinance kaugnay sa pag-regulate sa
mga mga party o ano mang kasiyahan kapag araw ng Biyernes Santo bilang
paghahanda sa papalapit na Mahal na Araw ngayon taon.
Bagama’t papalapit na ang Mahal na araw, sa kasalukuyan ay
hindi pa ito aprobado ng konseho at nakatakda parin pag-usapan sa susunod na sisyon,
makaraang ding-gin ito sa deliberasyon.
Samantala, kaugnay sa usaping ito, pinaalalahanan naman
kahapon sa misa ni Rev. Fr. Magloire Adlay Placer ang mga Katoliko ukol sa
pagdiriwang ng “Ash Wednesday” sa darating na Miyerkules, ika dalawampu’t dalawa
ng Pebrero, bilang unang araw sa pagdiriwang ng Mahal na Araw.
No comments:
Post a Comment