YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 21, 2012

BTAC, may bagong hepe na


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Dahil sa bago na ang pangalan ng Boracay Police para sa layuning pang-turismo, bago na rin ang hepe ngayon.

Kung noon ay Boracay Special Tourist Police Office (BSTPO) ang pangalan nito na pinamumunuan ni Supt. Julio Gustilo Jr., kasabay ng ilang pagbabago sa pangalan ng himpilan ay ang pagpapalit nito sa pangalang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), at kasabay nito ay pinalitan na rin si Gustillo bilang hepe.

Sa kasalukuyan ay si P/Insp. Christopher Prangan na ang iniluklok na kauna-unahang hepe ng BTAC.

Ito ang nabatid mula kay Gustilo dahil ang dating hepe ay siya nang mamumuno sa Aklan Provincial Tourist Police Unit kung saan saklaw nito ang lahat ng bayan na may tourist assistance center, kasama na ang BTAC.

Samantala, dahil sa panturismo ang layunin ng BTAC, nilinaw ni Gustilo na anumang kaso, pangyayari, o krimen na walang kaugnayan sa turista ay bahagi pa rin ng kanilang trabaho na kailangang aksyunan kabilang na ang mga ordinansa ng bayan at probinsya.

Dagdag pa nito, kahit na ang Department of Tourism ang nais ding na gawin itong BTAC batay sa National Police Commission Resolution No. 2012-001, at ihinayag ng huli na nasa ilalim pa rin sila ng Aklan Police Provincial Office (APPO) sa kasalukuyan.

No comments:

Post a Comment