YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 20, 2012

Mga mababang kuntador sa poste ng Akelco, tourist attraction na rin sa Boracay


Ni Edzel Mainit , Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ang mga mabababang kuntador ng kuryente sa poste ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) ay tila nagsisilbi na ring tourist attraction sa mga dayuhan, partikular ang sa Mainroad Boracay.

Sapagka’t kahit sa mga poste ng Akelco ang mga turista ito ay mistulang natutuwa pa at magpakuha ng litrato, habang back ground ang mga nasabing kuntador.

Bagay na aminado naman ang Akelco Boracay sa ganitong sitwasyon ayon kay Engr. Arnaldo Arboleda, Area Manager ng kooperatiba sa isla.

Subali’t sa kabila nito na naging tourist atraksiyon ang mga kuntador na ito, lubhang napaka delikado naman at malapit sa sakuna ang publiko lalo na ang mga naglalakad sa path way ng main road. Ito’y dahil halos kasintaas lang din ng tao ang kinalalagyan ng mga kuntador na nakadikit sa poste.

Maliban sa problemang ito sa main road, nakita na rin umano mismo ng kooperatibang may mga kable pa rin ng kuryente na nakalaylay sa interior na bahagi ng isla sa kabila ng mga ginagawa nilang paglipat ng mga poste.

Kaugnay nito, inamin ni Arboleda na may mga hindi pa naaayos o nailipat na poste, dahil sa problema nila ngayon na walang road right of way para pagtayuan ng mga poste.

Gayon paman may mga nakahanda na rin umanong balakin at mga negosasyon ang Akelco para mabigyang sulosyon ang suliraning ito.

Matatandaang ang pagiging tourist attraction ng mga mabababang kuntador na ito ng Akelco ay minsan na rin ipinarating ng dalawang Board of Director ng Akelco na sina Julieta Aron at Hayden Bandiola sa konseho.

No comments:

Post a Comment