YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 23, 2012

Lokal na mangingisdang Boracaynon, gagawin na lang taga bantay ng Marine Park


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi na kailangang mangisda pa ang mga lokal na mangingisda ng Boracay, sakaling matuloy ang binabalak ng Sangguniang Bayan ng Malay at Sangkalikasan Cooperative.

Ito ay dahil gayong proteksiyon para sa mga isda partikular sa Marine Park Area, ang nais isulong ng konseho para maprotektahan ang mga isda sa lugar kung saan inihulog ang mga Coral Reef Buds ng Sangkalikasan lalo pa at nakita na umano nilang dumadami na ang isda sa area na ito.

Subalit sa kabila ng magandang resulta ng programang Sangkalikasan, nababahala ngayon ang mga ito sa nakikitang sitwasyon.

Gayong may ilang dayuhang turista at dayung mangisngisda na pumaparoon, na dapat ay ipinagbabawal sana ang ganitong gawain lalo pa at ang layunin ng programang ito para sa panturismong atraksiyon.

Ngunit para mabantayan ang dapat protektahang area. Nasa plano na ngayon ng konseho na ang mga lokal na mangingisda sa Barangay Balabag ang ilalagay na taga bantay at taga singil sa mga nagkakaroon ng aktibidad sa naturang  Marine Park Area.

Dahil  naniniwala si SB Member Esel Flores, na mas pa ang kikitain ng mga lokal na mangingisda kung sila ang ilalagay na taga bantay sa bahaging ito kaysa mangisda pa sa laot.

No comments:

Post a Comment