Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Inaasahang mababawasan na ang Noise Pollution sa Boracay, sa
susunod na mga buwan.
Sapagka’t batay umano sa isinagawang mga pulong sa gitna ng
lokal na pamahalaan ng Malay at mga stakeholders sa Boracay, bar at disco,
operators at may-ari ng establishementong ito.
Nakabuo na ng Memorandum of Agreement (MOA) ang tanggapan ng
Punong Ehikutibo para sa mahigpit na pagpapatupad sa umiiral na batas laban sa
ingay na dala ng mga establishementong ito lalo na ng mga bar sa isla, batay na
rin sa nakasaad sa Municipal Ordinance 144 na inaprobahan ng Sangguniang Bayan
noong taong 2001.
Bagama’t may draft na ng MOA ang LGU, nabatid mula kay
Concordia Alcantara, Kalihim ng konseho na humiling ng awtorisasyon ng Alkalde
para narin sa pormalidad at legalidad para pumasok ito sa isang kasunduan sa
ginta ng mga stakeholder ukol sa istriktong pagpapatupad ng ordinansang ito sa
isla.
Sa kasalukuyan ay nasa pangalawang pagdinig na ito ng SB.
Matatandaang umani ng mga negatibong komento at reklamo mula
sa ilang resort at mga bakasyunista sa Boracay ang sobrang ingay na dulot ng
mga bar, kahit hating gabi na at madaling araw.
Propesyonal na serbisyo ng Life Guard Boracay, ikinakasa ng
Alklde
Kaugnay sa pagsasanay sa mga life guards sa Boracay, humiling
ngayon si Malay Mayor John Yap ng awtorisasyon mula sa Sangguniang Bayan para
pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang LGU Malay at Philippine Red
Cross.
Sa pagdinig ng konseho tungkol sa kahilingang ito, nabatid
na ang pagiging propesyonal ng mga mga life guard sa pagligtas sa buhay ng mga
naliligo sa baybayin ng isla ang layunin ng alkalde.
Dahil dito, bagamat nasanay na ng Red Cross ang mga Life
Guard na ito.
Napaloob sa MOA na nakatakdang lagdaan ng Alkalde ang pagbibigay ng tulong o suporta ng taga Red
Cross pagdating sa karagdagang pagsasanay pa sa mga life guard upang maging
bihasa ang mga ito sa kanilang gawain.
Nakasaad din sa MOA na ang Red Cross na rin ang mangangasiwa
sa paglalagay ng Life Guard sa tower para masiguro ang kaligtasan ng publikong
naliligo sa Boracay, gayon din ang pagpapahiram ng ambulansya sa oras ng
emerhenysa at iba pa.
Gayon pa man ang kahilingang ito ng alkalde na nasa kumitiba
pa ng konseho ay nakatakdang dinggin sa susunod pang sesyon ng SB.
No comments:
Post a Comment