YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 24, 2012

Streetlight sa Boracay, ayos na bago ang Mahal na Araw

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ikinukonsidera na rin ngayon ng lokal na pamahalaan ng Malay ang pagkakaroon ng streetlights sa Sitio Lapus-lapus, Brgy. Balabag dahil sa kalimitang may mga kasong naitatala sa lugar na ito dahil madilim dito at walang pamamahay.

Ito ay kasunod na rin ng rekomendasyon ng Boracay Police na lagyan ng ilaw ang liblib na lugar na ito.

Subalit hindi pa masabi ni Island Administrator Glenn SacapaƱo kung kailan ito maisasagawa.
Gayon pa man, ayon sa administrador, may isang miyembro ng Municipal Auxiliary Police o MAP na rin silang na-asign dito na malapit lang din ang bahay sa lugar para mamonitor ang nasabing area.

Matatandaang noong isang taon lang ay sa isang kuweba sa nasabing area itinago ang bangkay ng isang dalaga, at tinambangan at binaril naman kamakailan lang ang isang empleyado ng isang sea sports establishment sa isla sa area din na ito.

May mga insidente din ng hold-up sa ilang tricycle driver at ilang turistang nangyari dito.

Samantala, aminado din si SacapaƱo na may problema talaga ang streetlights sa main road kaya hindi na naman ito umiilaw.

Pero ang pagsasaayos sa mga streetlights ay minamadali na rin umano nila dahil target na matapos itong ayusin bago ang Mahal na Araw.

Magugunitang nitong Disyembre bago ang unang araw ng Misa de Gallo ay pina-ilaw na ang streetlights sa main road, ngunit halos isang linggo pa lamang ang nakakalipas ay hindi na naman ito gumagana.

No comments:

Post a Comment