Ni Edzel Mainit , Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Dahil sa maling akala at hindi pagkakainitindihan.
Ito ang umano ang dahilan kung bakit ipinatigil ang
konstraksiyon ng Practice House Project ng DepEd sa Balabag Elementary at
Boracay National High School compound.
Paliwanag ni Engr. Janrey Depositario, Project Engineer ng
DepEd-Aklan, kaya hindi agad nakakuha ng building permit ang proyektong ito ay
dahil sa pag-aakala aniya ng Division Office ay ang end user o makikinabang sa
proyekto na Boracay National High School
na ang nag-ayos ng building permit para sa konstraksiyon, bagay na ipinaubaya
na nila sa paaralang ito.
Dahil dito, sa kasalukuyan ay inabisuhan na rin ayon kay
Depositario ang Boracay National High School na sila na ang mag-asikaso sa building
permit ng proyektong ito.
Samantala, nilinaw naman ni Depositario na ang isinusulong
na proyekto ng DepEd ay isang laboratory para sa nasabing mga paaralan, hindi
tulad ng pagkaka-intindi ng karamihan na gagawin itong isang “hostel”.
Sinabi din nito na ang balak umano talaga ay gawin itong
practice house at laboratory ng paaralan.
Ayon pa dito, ang pondo para sa phase 1 ng proyekto ay nagkakahalaga
ng P10M. Ngunit P7M lamang ang na-i-award sa nanalo sa bidding, na inaasahang
matatapos sa loob ng 8 buwan.
Matatandaang ipinatigil ng lokal na pamahalaan ng Malay ang
konstraksiyon ng Practice House, lingo na rin ang nakakalipas, dahil sa kawalan
ng building permit.
No comments:
Post a Comment