YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 23, 2012

P100K reward, patong sa ulo ng suspek sa pagpatay kay Crisanta Vicente


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Isandaang libong pisong reward ang nakapatong ngayon sa ulo ng suspek sa pagpatay sa empleyadong si Crisanta Vicente sa Boracay.

Ito ang kinumpirma ni Psupt. Julio Gustilo Jr., dating hepe ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), at ngayo’y hepe ng Aklan Police Provincial Tourist Police Unit.

Sinabi nito na ang isandaang libong pisong reward ay ibinigay ng mismong employer ni Crisanta, na sinasabing ninakawan at pinatay sa Boracay kamakailan lang.

Dahil dito, nanawagan ngayon si Gustilo sa lahat ng mga nakakaalam sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek, upang ito’y madakip.

Samantala, idinagdag pa ni Gustilo na nakahanda rin ang mga otoridad sa mga Boracay na magpakalat ng litrato ng suspek, maging sa mga istasyon ng telebisyon sa mabilis na ikadarakip ng salarin.

Matatandaang ang bente otso anyos na empleyadong si Crisanta ay pinagbabaril matapos nakawan ng malaking halaga ng pera habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo, nitong nagdaang Pebrero a dos, sa Sitio Lapus-lapus, Balabag, isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment