YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 23, 2012

SB Malay, lumambot na sa pamahalaang probinsya sa usaping reklamasyon?


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mistulang lumambot na rin ang lokal na pamahalaan ng Malay, partikular ang Sangguniang Bayan, ukol sa hinihinging pag-endurso sa proyektong reklamasyon sa Caticlan ng pamahalaang probinsiya.

Sapagkat nitong nagdaang Biyernes, ika labing pito ng Pebrero, tila mayroong na nang napipisil na pasya ang konseho nang magsagawa ng Committee Meeting ukol sa kahilingan ni Mayor John Yap na magkaroon ng penal na pagdinig kaugnay sa request ng probinsiya na bigyan na nang pag-endurso ang proyekto ito.

Sa sesyon ng konseho kahapon, isinatinig ni SB Member Esel Flores ang kanilang katayuan ukol sa usaping ito.

Lalo pa at nakita naman umano nila na handa at interesado na rin ang pamahalaang probinsiya na ibigay ang kanilang mga demands o kahilingan ng LGU Malay, kapalit ng pag-i-endorso ng SB sa proyekto ay may limang kahilingan ang konseho sa probinsiya.

Una rito ay ang hinihingi na 1,000 sqr. meter na espasyo para sa LGU Malay mula sa na- reclaim na area. Ikalawa, pagbuo o pag-organisa sa Caticlan Jetty Port Management Board. Ikatlo, ang pagkakaroon ng manipesto na hanggang 2.6 hectar lamang ang reklamasyon, ika-apat na kahilingan na sana ay walang ma-displace sa mga lokal na transportasyon sa Jetty Port tulad ng mga bangka, at ika lima ay magkaroon parin ng komprehensibong pag-aaral sa epektong dulot sa kapaligiran ng proyektong ito kapag Habagat at Amihan Season.

Nabatid na ang mga nabangit na demand ay inilatag na rin umano sa committee hearing.

Matatandaang noong una ay deadma lang sa probinsiya ang pag-endurso ng konseho sa paniniwalang hindi na ito kailangan sa proyekto.

Subalit nang magsampa ng kaso ang Boracay Foundation Incorporated (BFI) at konseho ukol sa Invironmental isyu, laban sa probinsiya na siyang may proposisyon ng reklamasyon, ang probinsiya naman ngayon ang namimiliit na i-endurso ang proyekto.

Ito ay sa paniniwala ng pamahalaang probinsiya na makakatulong ito para bawiin na ng Supreme Court ang Temporary Environmental Protection Order o TEPO na ibinababa laban sa proyektong ito at maituloy na rin ang reklamasyon.

No comments:

Post a Comment