Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Aminado ang bagong Community Environment and Natural
Resources Officer (CENRO) ng Nabas at Boracay na si Merza Familiano, na
nanga-ngapa parin ito sa kaniyang bagong trabaho at kasalukuyang pina-
familiarized ang kaniyang bagong posisyon bilang CENRO.
Bagamat noong ika-dalawa ng Pebrero pa aniya ito pormal na nailuklok
sa posisyon, halos dalawang araw pa lang din itong nakapasok sa kaniyang
tanggapan.
Sapagkat matapos ng dalawang araw na pamamalagi bilang
CENRO, isinalang din agad umano ito sa isang seminar sa Metro Manila.
Subali’t magkaganon man, sinabi ni Familiano na may mga
inisyal na rin silang pag-uusap ng alkalde ng Malay kaugnay sa development plan
sa Boracay.
Kasama umano sa napag-usapan nila ay ang pagtatanim ng
mangroves sa isla, gayon din ang tungkol sa mga wet lands at sa balak ng
alkalde na nagawing Eco Tourism ang
Boracay.
Samantala, ngayong hapon ay nakatakda ding aniya silang
mag-usap sa paraan ng isang pulong para ma-penal na ang development plan ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment