Posted October 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bahagya umanong bumaba ang tourist arrival sa isla ng Boracay
sa 3rd quarter ng taong ito base sa datos ng Municipal Tourism
Office (Mtour) Malay.
Ayon kay Chief Tourism Operations Officer Felix Delos
Santos, isa umano sa dahilan ng pagbaba ng tourist arrival sa isla ay dahil sa
ibat-ibang national issues na kinakaharap ngayon ng Pilipinas kung saan naging
epekto din ito maging sa ibang bansa.
Nabatid kasi na ang pag-baba ng tourist arrival ay dahil
sa mga cancellation of bookings ganon din sa ibang lugar sa bansa kung saan
karamihan sa mga ito ay Chinese national na siyang nangungunang tourist arrival
sa isla na ngayon ay nasa pangalawang puwesto na lamang.
Base sa statistic data ng Mtour lumalabas na tumaas lang
ng 1 percent ang tourist arrival sa buwan ng Setyembre ngayong 2016 kumpara
noong 2015 habang nitong Agosto ay bumaba naman ng limang porsyento sa kaparehong
quarter.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Executive Assistant IV
Rowen Aguirre na masyado pang maaga para sabihin na apektado ang Boracay sa mga
nangyayari sa bansa maliban na lamang kung ito ay nagpapakita ng patuloy na
pagbaba ng arrival lalo na ngayon at malapit na rin ang tinatawag na peak at
super peak season sa isla.
Samantala, umaabot na ngayon sa 1.3 Million ang
naitatalang tourist arrival ng Boracay simula noong Enero hanggang nitong
Setyembre kung saan tiwala naman umano ang Mtour na maaabot nila ang kanilang
target na 1.7 Million tourist arrival para sa taong ito.
No comments:
Post a Comment