Monday, October 17, 2016

32-anyos na lalaki sugatan matapos saksakin sa isang tindahan sa Boracay

Posted October 17, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sinaksakSugatan ang isang 32-anyos na lalaki matapos itong saksakin sa isang tindahan sa Barangay Balabag, Boracay.

Kinilala ang biktima na si Razid Barrido aka “Dodoy”, native ng San Fernando,Barotac Viejo, Iloilo at temporarayong nakatira sa Sitio Tulubhan , Brgy. Manoc-manoc.

Sa blotter report ng Boracay PNP, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang pagamutan na merong biktima ng pananaksak kung saan agad naman nila itong nirespundihan.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis sa biktima,  kausap niya umano ang kanyang kaibigan sa isang tindahan sa lugar ng bigla nalang umanong may lumapit na lalaki sa kanya at walang kadahi-dahilan ay sinaksak siya nito sa kanang bahagi ng kanyang dibdib.

Dahil dito, nagpasaklolong sumakay ng tricycle ang biktima para dalhin sa isang pagamutan ngunit mas minabuti naman ng doktor na sumuri dito na i-refer sa ospital sa bayan ng Kalibo para mabigyan ng karampatang medikasyon ang tinamo nitong sugat.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridaad kung ano ang motibo sa pagsaksak ng hindi nakilalang suspek sa biktima.

No comments:

Post a Comment