Posted October 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kulong ang isang meat
vendor matapos na mahulihan ng baril habang nasa isang restaurant sa Sitio
Manggayad, Brgy. Manoc-manoc,Boracay kaninang madaling araw.
Sa blotter report
ng Boracay PNP, nag-sumbong sa kanilang tanggapan si John Jancinal, 35-anyos,
isang Philbikers Association member-Boracay Chapter na nakita nila ang suspek
na may sukbit na baril sa kanyang bewang.
Nabatid na ang nasabing
suspek ay nakipagkita sa nag-rereklamo at sa kaibigan nito para magbayad ng
utang na nag-kakahalaga ng P70, 000 ngunit P4, 000 lamang ang binayad nito.
Dito napansin
umano ni Jacinal na may-nakasukbit na baril sa bewang ng nasabing meat vendor
kung kayat agad nila itong sinundan at doon ay tumawag sila ng pulis.
Nakuha sa suspek
ang isang 38 revolver na baril na may limang bala kung saan napag-alaman na
wala rin itong dokumento.
Ang suspek ay pansamantala
ngayong naka-kulong sa Boracay PNP dahil sa paglabag sa Violation of Ra 10591
(Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
No comments:
Post a Comment