Tuesday, October 18, 2016

Tatlong Barangay Auxiliary Police sa Boracay, inereklamo ng pangingikil

Posted October 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for extortionInereklamo ng isang lalaki ang tatlong Barangay Auxiliary Police sa Boracay PNP matapos itong mabiktima ng pangungutong kahapon sa Barangay Manoc-manoc, Boracay.

Sa report nakilala ang nagrereklamo na si Silva Condrado, 44-anyos residente ng Sitio Tulubhan, Brgy. Manoc-manoc.  

Sa salaysay ng biktima sa mga pulis, ipinarking niya ang kanyang motor sa gilid ng Diving Shop sa lugar ngunit sa pagbalik nito ay laking gulat nalang  ng tinikitan siya ng tatlong Barangay Auxiliary Police/Brgy. Tanod ng P2, 500.   

Samantala, ng binigay niya na ang pera sa mga ito ay wala manlang umanong inisyong resibo at kung anong ordinansa ang kanyang linabag. 

Dahil dito, minabuti niyang ireport sa otoridad ang ganitong problema ng sa gayon ay hindi na umano maulit ang ganitong gawain na makaka-apekto sa turismo sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment