Tuesday, October 18, 2016

Habal-habal driver huli sa buy-bust operation sa Altavas

Posted October 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for buy bust operationHuli sa isang buy-bust operation ang isang Habal-habal driver sa Brgy. Man-up, Altavas, Aklan kaninang umaga.

Nahuli ang suspek na nakilalang si Jay-r Policarpio, 29-anyos ng pinagsamang puwersa ng Altavas MPS, Aklan PPO PAIDSTOG at NISU51.

Nakuha sa posisyon ni Policarpio ang isang plastic sachet ng pinagdududahang marijuana at 100 pesos na marked money.

Agad ikinulong sa kulungan ng Altavas MPS ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa illegal drugs.

No comments:

Post a Comment