Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinalarma ng mga otoridad ang pagtaas ngayon ng kaso ng
pang-aabusong sekswal sa mga kababaehan at mga kabataan sa probinsya ng Aklan.
Sa panayam sinabi ni PCInsp. Aileen Rondario - PWCPD na
simula noong buwan ng Enero hanggang nitong Oktubre 2016 ay mayroon na silang
naitalang 79 na kaso sa kanilang tanggpan.
Igiinit nito na mas mataas ito kumpara sa kaparehong mga
buwan noong nakaraang taon na meron lamang na 73 kaso.
Ayon pa kay Rondario posibleng ang dahilan umano ng
pagtaas nito ay dahil sa mahigpit na pangangampanya ng mga municipal PNP
stations (WCPD) na magkaroon ng lakas ng loob na magreklamo ang mga biktima ng
pang-aabuso.
Maliban dito isa din sa mga tinitingnan ng tumaas na kaso
ay dahil umano nagiging busy ang kanilang mga magulang sa paghahanap-buhay kung
kayat naiiwanan ang kanilang mga anak sa ibang tao.
jordan
ReplyDeletepalm angels
stephen curry shoes
jordan shoes
yeezys
off white
kd13
bape outlet
bape clothing
yeezy gap