Sunday, October 16, 2016

Tourguide arestado sa buy-bust operation sa Boracay

Posted October 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for illegal drugsArestado ang isang Tourguide matapos magsagawa ng operasyon sa ilegal na droga ang mga kapulisan.

Pinangunahan ng Malay PNP, Boracay PNP, Aklan Public Provincial Public Safety Company (SWAT) at Maritime Group ang pagsagawa ng buy-bust operation sa Sitio Malabunot, Barangay Manoc-manoc, Boracay kung saan naaresto at nakilala ang suspek na si Ramil Licerio y Balderama alyas “Edong” 38-anyos, may asawa at residente ng naturang lugar.

Nakumpiska sa posisyon ng suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may kapalit na P1,000 marked money.
Maliban dito, nakuhaan pa ng tatlong sachet ng ipinagbabawal na droga ang suspek.

Samantala, pansamantalang nakapiit ang suspek sa istasyon ng Boracay PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

No comments:

Post a Comment