YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 20, 2016

Pag-parada ng mga sasakyan sa Boracay, pina-iimbestigahan ng SB Malay

Posted October 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Pina-iimbestigahan ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang pag-parada o parking ng mga sasakyan sa kalsada sa Boracay.

Ito ang ipinaabot ni SB member Neneth Aguire-Graf sa kanyang Privilege speech sa 16th Regular Session ng Malay nitong Martes.

Ipinunto ni Graf na kung saan-saan nalang umano kasing sulok ng kalsada naka-parada ang mga sasakyan kagaya ng motorsiklo, tricycle at maski ang mga pang-pribadong sasakyan na siyang dahilan kung bakit nagkakaroon ng trapiko sa Boracay.

Dahil dito, hiniling niyang pag-aralan ang Traffic Ordinance ng Malay upang masunod at magamit ito bago ang renewal ng permit sa susunod na taon.

Samantala, dapat din umanong magkaroon ng tamang seminar ang lahat ng mga driver mapa-hotel service man pati ang mga haulers ng sa gayon ay alam nila kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagpaparada ng sasakyan sa maling lugar.

Ayon naman kay SB member Floribar Bautista, dapat umanong magtalaga ng mga tao sa area kung saan ang Loaded at Unloaded signage upang maiwasan ang trapik sa daan.

Kaugnay nito, magandang opinyon ang sinabi ni Bautista ayon kay Vice Mayor Sualog kung saan nga ay ini-refer naman itong usapin sa Committee on Transportation.

No comments:

Post a Comment