Posted October 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasado na ang inaabangang Kalibo Sto. NiƱo Ati-Atihan
Festival 2017 ngayong Biyernes Oktobre 21, 2016.
Ito ay sa pangunguna ng KASAFI Foundation katuwang ang
LGU Kalibo, na gaganapin ala-1 ng hapon sa Biyernes.
Tampok sa nasabing Opening Salvo ang presentasyon ng mga
kasaling grupo sa Ati-Atihan Festival na gaganapin sa Enero 6-15, 2017.
Ang Street dancing ay magsisimula sa Magsaysay Park hanggang
sa Kalibo Pastrana Park kung saan isa sa mga inaabangan sa naturang okasyon ay
ang mga kandidata ng Miss Earth 2016 mula sa 31 bansa na sasali sa sinasabing merrymaking.
Ang Opening Salvo ay siyang hudyat sa pagbubukas sa tinatawag
na Mother of All Philippine Festival na isa sa pinakamahabang selebrasyon ng
kasiyahan sa bansa.
No comments:
Post a Comment