Posted October 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nadiskobrehan ngayon ng Department of Trade and Industry
(DTI) Aklan na hindi tugma ang ICC sticker number ng ilang Christmas light sa
ICC Certificate.
Ito ang sinabi ni Ma. Carmen Ituralde, OIC-provincial
director ng DTI-Aklan matapos silang magsagawa ng inspeksyon sa mga pamilihin
sa bayan ng Kalibo.
Dahil dito kanila umanong senelyohan ang mga nasabing Christmas
lights na nahuli at ang iba ay nakatago pa.
Ayon kay Ituralde mahalaga umano sa pamimili na tingnang
mabuti ang tinatawag na Import Commodity Clearance (ICC) dahil ito ang siyang
patunay na nakapasa ito sa Product Standard (PS).
Samantala, nakatakdang magbayad ang mahuhuli sa first
offense ng 25,000 hanggang 37,000; second offense 37,000 hanggang 50,000 at sa
third offense ay 50,000 hanggang 100,000 pesos.
No comments:
Post a Comment