Tuesday, August 23, 2016

Karpentiro at Pintor sa Boracay, pinag-sasaksak sa loob ng isang Bar

Posted August 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for stabbing incidentSugatan ang isang karpentiro at pintor na isinugod sa pagamutan matapos umano itong pinag-sasaksak sa loob ng isang bar sa Brgy. Balabag, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, kinilala ang dalawang biktima na sina Raymundo Pedere, 28-anyos, isang karpentiro at Rene Salvador, isang pintor.

Salaysay ng mga biktima sa mga pulis, sumasayaw umano sila sa loob ng bar ng aksidenteng bumangga ang mga ito sa mga hindi nakilalang suspek na ikinagalit naman ng mga ito. 

Subalit hindi naman inintindi ng mga biktima ang insidente at nagpatuloy sa pagsasayaw ngunit agad na bumunot ng kutsilyo ang isa sa mga suspek at sinaksak ng apat na beses si Salvador sa kanyang katawan habang ang kasama naman nito na si Pedere ay nagtamo din ng dalawang saksak.

Mabilis namang inawat ang mga ito ng mga tao sa lugar at dinala sa labas ng bar nguni’t hindi pa nakuntento ang mga suspek at pinagtulungan pang bugbugin ang dalawa sabay takas papalayo.

Agad namang dinala sa pagamutan ang dalawang biktima kung saan masuwerte naman ang mga ito at hindi malubha ang mga tinamong sugat sa katawan habang ang mga suspek ay patuloy paring pinaghahanap ng mga pulis.

No comments:

Post a Comment