Posted August 24, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan
ang pagbuo ng task force para alisin o mabawasan manlang ang kaso ng dengue sa
probinsya.
Sa panayam ng himpilang ito kay Dr. Cornelio Cuachon Jr.,
Provincial Health Officer, nagsumite umano sila sa Committee on Health ng SP ng
draft resolution na itinutulak ang pagbuo ng nasabing task force.
Naisalang na rin umano ito sa Committee hearing habang
nakatakda namang isailalim sa Public Hearing na inaasahang isasagawa sa
Setyembre kung saan magpapatawag umano ang SP ng mga stakeholders para kunin
ang kanilang reaksyon ukol dito.
Nabatid kasi na lalong tumataas ang kaso ng dengue sa
probinsya ng Aklan kumpara noong mga nakalipas na taon dahilan para mabahala
umano ang PHO rito.
Samantala saklaw umano ng task force ang barangay
officials at representate mula sa PHO at ang Department of Education (DepEd).
Ang Provincial Health Office (PHO) ay kasalukuyang
nagsusubaybay sa clustering ng mga kaso ng dengue o sa pag-detect ng tatlo o
higit pang mga kaso sa apat na magkakasunod na linggo.
No comments:
Post a Comment