Posted August 24, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Pinabulaan ni Malay
Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron ang umano’y pagkakasangkot ng
kanyang pangalan sa iligal na droga.
Kahapon idinaan
ni Pagsuguiron sa Privilege Speech ang kanyang saloobin at pagkadisamaya
matapos malaman na isa umanong Anchorman ng isang istasyon sa radyo sa isla ang
pumangalan sa kanya na siya umano ay kabilang sa mga sangkot sa iligal na droga.
Salaysay naman Pagsuguiron,
nakatanggap umano siya ng tawag mula sa kanyang kaibigan noong nakaraang sesyon
na inunsyo nga ng Anchorman na isa siya sa mga sangkot sa droga kung saan agad
naman nitong pinuntahan ang Malay PNP para tanungin ang hinggil sa narinig na
balita kung saan lumalabas sa kanyang imbestigasyon na wala doon ang kanyang
pangalan.
Dahil dito, ay
kinumpronta naman nito ang Anchorman at tinanong kung saan niya nakuha ang
ganoong impormasyon kung saan sinagot naman siya nito na meron umanong nagbigay
sa kanya ng dokumento at sinabihan ito na i-anunsyo ang kanilang pangalan.
Nabatid na kinaumagahan
ay mabilis ding inanunsyo ng Anchorman sa kanyang programa na mali umano ang
kanyang hawak na dokumento o listahan ng mga sangkot sa iligal na droga na
umabot sa 69 na personalidad.
Samantala, ginawa
naman ni Pagsuguiron ang hakbang na ito sa pamamgitan ng Session upang ipa-abot
sa mga ito na walang katotohanan ang balita at hindi kailanman siya sumubok gumamit,
naging distributor at protektor ng droga.
Kasabay nito,
nakatakdang ipatawag sa SB Session ng Malay ang naturang Anchorman upang
ipaliwanag ang katotohan kung sino ang nagbigay sakanya ng dukomento at kung
ano ang motibo nito.
No comments:
Post a Comment