Posted
August 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK)
elections sa darating na Oktobre 31 ay magiging unique umano ayon sa Commission
on Elections (COMELEC) Aklan.
Sa panayaman sinabi ni COMELEC-Aklan Information Officer at
ngayon ay New Washington Election Officer Chrispin Raymund Gerardo, na ito
umano ang kauna-unaha para sa mga botante ng SK na may edad 18 hanggang 30, na
makaboto ng dalawang beses kung saan ang una ay para sa SK officials, at ang
sumunod ay para naman sa barangay officials sa kanilang mga Baranggay.
Ito din umano ang kauna-unahang pagkakataon na ang SK
member ay kasama ang 15 hanggang 30-anyos kung saan ang dati ay nasa edad
lamang na 15 taong gulang hanggang 18-anyos.
Samantala, nakasaad sa RA No. 10742 re Reform Act of 2015
na ang SK members mula 15 hanggang 17-anyos ay makakaboto lamang ngunit hindi
maaaring tumakbo bilang opisyal.
No comments:
Post a Comment