Tuesday, August 23, 2016

25 Taiwanese at Chinese national na nahuli sa drug raid isinailalim sa mugshot kaninang umaga

Posted August 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inabot hanggang ngayong araw ang pagsisiyasat ng mga otoridad sa nangyaring drug raid sa Zone 5 Bolabog, Balabag, Boracay kahapon.

Sa pangunguna ng Anti Cyber Crime mula sa Metro Manila ay isa-isang sumailalim ang 25 nahuling Taiwanese at Chinese national sa mugshot at fingerprint.

Nakatakda naman ang mga itong dalhin ngayong araw sa bayan ng Kalibo para sa isasagawang medikal at inaasahang ipipiit sa Bureau of Jail and Management Penology (BJMP) sa nasabi ring bayan.

Sa record naman ng Bureau of Immigration lumalabas na kinuha ang mga nasabing Taiwanese at Chinese national ng isang sindikato para mag negosyo ng mga illegal drugs.

Samantala, nanatiling bantay sarado ng Malay at Boracay PNP ang area kung saan naganap ang drug-raid kasama ang Aklan SWAT team.

No comments:

Post a Comment