Posted August 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y matapos lumabas sa monitoring ng Provincial
Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (PAIDSOTG) na maraming mga
sumuko ang ngayon ay nahuli sa sunod-sunod na buy-bust operation sa probinsya.
Sa panayam ng himpilang ito kay PSINP Frensy Andrade ng PAIDSOTG,
hindi na umano ang mga ito bibigyan ng ikalawang tiyansa at sila ay huhulihin
na at sasampahan ng kaso.
Bagamat tuloy-tuloy parin umano ang nasabing Tokhang ng
kapulisan ay nanatili parin umanong dapat na naka-bantay upang tuluyang masugpo
ang mga gumagamit ng ilegal na droga.
No comments:
Post a Comment