Monday, August 22, 2016

Danyos sa nangyaring sunog sa isang Spa kanina, tinatayang mahigit 1milyon

Posted August 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Isang sunog ang naganap kaninang umaga sa Bamboo Resort Spa sa Station 3.

Ayon  kay FO3 Franklin Arubang ng BFP Boracay, bandang alas 5:30 kaninang umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang hotel na nadamay sa naganap na sunog.

Agad naman nila itong ni-respondihan at naapula ang sunog pasado alas- sais ng umaga.

Nabatid na gawa sa light materials ang naturang Spa kung kaya’t mabilis itong natupok ng apoy.

Partially damage rin sa nangyaring sunog ang tatlong kwartong stockroom ng isang Hotel sa likod mismo ng nasunog na Spa.

Sa inisyal naman na imbestigasyon ng BFP, mahigit kumulang isang milyon ang danyos sa Spa at sa katabing Hotel nito.

Samantala, wala namang nasaktan sa nangyaring insidente kung saan ini-embistigahan pa  ngayon ng Boracay BFP ang sanhi ng nasabing sunog.

No comments:

Post a Comment