Monday, August 22, 2016

Fruit vendor, ninakawan; mahigit 35k natangay

Posted August 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ninakawanPuno ng panghihinayang ang isang fruit vendor ng magsumbong sa Boracay PNP matapos umanong nakawin ang kanyang bag sa loob ng kanyang tindahan sa Brgy. Balabag, Boracay kahapon.

Nakilala ang biktima na si Nelfa Divinagracia, 62- anyos.

Salaysay ng biktima sa mga pulis, nasa loob umano siya ng kanyang tindahan ng mapansin nitong nawawala na ang kanyang shoulder bag na nakalagay sa upuan.

Nabatid, na naglalaman ang nasabing bag ng dalawang tablet, dalawang cellphone, dalawang kwentas, isang singsing, bracelet at cash na mahigit P35, 000.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis kung sino ang responsable sa nasabing nakawan kung saan sinasabi naman ng biktima na tanging ang kanyang live-in partner lamang nito ang kanyang huling kasama bago mawala ang kanyang bag. 

No comments:

Post a Comment