Posted
August 24, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Base sa datos na inilabas ng Provincial Epidemiology Surveillance
Response Unit, merong naitalang daan-daang kaso ng dengue sa lalawigan simula
noong Enero 1 hanggang nitong Agosto 2 kung saan ang bayan ng Kalibo ang siyang
may pinakataas na kaso na umabot sa 119.
Sinundan naman ito ng bayan ng Malay na may 56; Banga,
51; Madalag, 42; at Ibajay, 40, New Washington, 37; Nabas, 34; Libacao at
Numancia na may parehong 30 kaso; Buruanga, 26; at Tangalan, 23.
Ang mga bayan naman ng Batan, Malinao at Balete ay may
tig-19 na kaso, Makato na may 18, Altavas 12 at Lezo, 10.
Nabatid na ang kaso ng dengue sa Aklan sa unang pitong
buwan ng taon ay umabot sa (614) o 72.95-percent na mas mataas sa 259 na kaso
ng kaparehong period noong 2015.
Samantala, ang Provincial Health Office (PHO) ay
kasalukuyan ngayong nagmo-monitor sa kaso ng dengue sa probinsya.
No comments:
Post a Comment