Posted July 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ini-imbestigahan
na ngayon ang tubig na nagdudulot ng pagbaha malapit sa mga hotel sa Sitio
Pinaongon, Balabag, Boracay.
Kung saan
nagsagawa kahapon ng imbestigasyon ang Boracay Island Water Company (BIWC), Boracay
Tubi Systems Inc. (BTSI), at ng isang hotel na malapit sa lugar para malaman
kung kaninong linya ang may-sira na nagdudulot ng pagbaha sa lugar.
Ngunit ayon sa
dalawang water company, wala naman umanong sira ang kanilang linya bagkus ang
hotel ang itinuturong umanong may-sira ang linya.
Kanila umanong
kinalkal ang lupa para malaman kung may depekto ang kanilang linya kung kaya’t
nagbabaha sa nasabing lugar.
Ngunit, nagsagawa
rin umano ang nabanggit na hotel ng sariling imbestigasyon, at ayon sa kanila, walang
sira ang kanilang linya.
Dahil dito, pala-isipan
ngayon kung kaninong linya nga ba ang may-sira na nagdudulot ng pagbaha sa
lugar at perwisyo sa mga dumadaang motorista maging sa mga residente at turista
na rin.
Samantala,
kaugnay nito, bukas naman umanong magpa-imbestiga
ang BIWC para malaman kung kaninong tubo ang may sira.
No comments:
Post a Comment