Posted July 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isa nanaman
ngayong commissioner ang inereklamo ng turista matapos nitong tinakbuhan ang inalok
na water sports activities sa bisita sa front beach ng Station 2 Balabag,
Boracay.
Base sa blotter
report ng biktima na si Lyn Magtiza 43-anyos, isang private employee at
temporaryong nakatira sa isang hotel sa nasabing lugar sa Boracay PNP,
naglalakad umano siya sa dalampasigan ng nilapitan siya ng suspek na si Ruel Ascarez
39-anyos, at inalok ng water activities dito sa isla.
Kung saan mabilis
naman itong nagbayad ng P1,000 sa suspek
at gagawin ang nasabing water activities
kinabukasan.
Subali’t, ng
kinaumagahan habang tinitext ng biktima ang suspek ay hindi na ito makontak sa
cellphone number niyang binigay sa bikitma.
Samantala,
mabilis na namang nag-reklamo ang biktima sa mga pulis kung saan agad namang nahuli
ang suspek at ngayon nga ay pansamtalang iki-nustudiya sa Boracay PNP station.
No comments:
Post a Comment