YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 27, 2016

Mag-asawang nahulihan ng bala sa Caticlan Airport inabswelto

Posted June 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for caticlan airportMakakahinga na ngayon ng maayos ang mag-asawang umano’y biktima ng “Tanim Bala” sa Caticlan Airport noong nakaraang Abril.

Ito’y matapos na idinis-miss ng Aklan Regional Trial Court (RTC) ang kaso ng mag-asawa base sa naging desisyon na ibinaba ni Judge Jemena Abellar-Arbis noong nakaraang Hunyo 22.

Nabatid na pinaburan ng korte ang omnibus motion na isinampa ng Public Attorney’s Office (PAO) sa pamumuno ni Atty Percida Acosta para kay Jerome Sulit upang maibasura ang information na isinampa ng Aklan Prosecutor's office.

Sa pahayag ni Arbis na hindi nilabag ni Sulit ang Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) kung saan wala din umanong nakita sa kanya ang korte na nagdala ng bala ang akusado bago pumasok sa nasabing paliparan.

Matatandaang galing sa bakasyon sa isla ng Boracay ang mag-asawa ng makitaan umano ang mga ito ng 14 na bala ng kalibre 22 sa loob ng sling bag kung saan dito sila inaresto at ikinulong.

No comments:

Post a Comment