Tuesday, June 28, 2016

44-anyos na lalaki, kulong matapos sinuntok ang kaibigan

Posted June 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongSa kulungan na inabot ng umaga ang 44-anyos na lalaki matapos nitong sinuntok ang kaibigan sa loob ng isang bar sa Manoc-manoc Boracay kaninang madaling araw.

Nakilala ang biktima na si John Ocana 35-anyos, isang Housekeeping at residente ng Negros Occidental na ngayon ay pansamantalang nakatira sa nasabing lugar habang ang suspek naman ay kinilalang si Abner Aguirre, isang Driver at residente ng Makato, Aklan.

Salaysay ng biktima sa Boracay PNP, nasa loob umano sila ng bar ng bigla nalang itong suntukin ng suspek sa kanyang kaliwang pisngi dahilan para magtamo ito ng pamamaga sa mukha.

Nabatid na selos ang naging dahilan ng nangyaring panununtok matapos ipakilala ang kanilang mga nobya.

No comments:

Post a Comment