Monday, June 27, 2016

Kapatid at grupo ng No.1 sa Druglist ng Malay timbog, isa pang suspek nahulihan ng baril !

Posted June 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay        

Sa kulungan ngayon ang inabot ng apat na suspek sa  magkahiwalay na buybust operation kahapon sa Sitio Angol, Brgy. Manoc-manoc.

Isa sa mga nahuli ay ang kapatid ni No. 1 Drug Dealer Benjie Rizares  na si  Beliardo Rizales ng Negros Occidental at dalawa pang iba na sina Geronimo Alejo alyas “Jerome o Bakla” 34-anyos, isang dating Therapist at si Rachel Bonalos 24-anyos ng Bacolod City.

Sa pinag-samang pwersa ng Malay Municipal Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group (MAIDSOTG) ng Malay PNP at Boracay PNP, nakuha sa posisyon ni Alejo ang pinagsamang  limang sachet ng suspected shabu, maliban pa sa dalawang sachet ng yellow shabu na sinasabing bagong produkto ng grupo.

Samantala, sa ginagawang body search sa babaeng suspek na si Rachel, nasamsam naman sa kanyang underwear ang dalawa pang pinaghihinalaang shabu.

Sa hiwalay namang operasyon, nahuli rin ang suspek na si Louie Olds 29-anyos, isang Commisioner residente ng Kalibo at temporaryong nakatira sa Sitio Tulubhan, Manoc-manoc.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang dalawang suspected shabu at isang 9mm na baril pagkatapos itong habulin ng mga operatiba ng magtangka itong tumakas.

Samantala, ayon kay PSI Andrade ang grupo na ito daw ang pumalit kay No. 1 drug personality ng Malay na si Benjie Rizares na kasalukuyang naka-piit ngayon sa kahalintulad din na kaso.

Sa ngayon ang apat na suspek ay nakatakdang dalhin sa Kalibo para sa sampahan ng kasong paglabag paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs act of 2002.

No comments:

Post a Comment