Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Naging matagumpay
ang “Send off Ceremony and Testimonials” ng mga outgoing officials ng Sangguniang
Panlalawigan sa Aklan.
Pormal ng
nagtapos ang serbisyo publiko ng limang outgoing SP members na sina Plaridel
Morania, Rodson Mayor, Robert Garcia Jr., Jose Enrique Miraflores at Stephen
Bolivar kasama si Vice Governor Garielle Calizo-Quimpo bilang presiding officer
ng 16th Sangguniang Panlalawigan.
Pinasalamatan ni
Vice Governor Bellie Calizo Quimpo ang lahat ng mga kasama nito sa SP, sa loob
ng siyam na taon.
Papalitan naman ng
kaniyang asawa na si Atty. Boy Quimpo ang kaniyang dating posisyon bilang Bise-Gobernador
ng Probinsiya.
Bukod sa kaniyang
mga kasamahan sa SP, pinasalamatan din ni Quimpo ang mga media sa Aklan na
naging bahagi ng kaniyang panunungkulan partikular na sa pag-cover ng mga
naisagawang session.
Naging present
din sa nasabing okasyon si Governor Joben Miraflores, kasama ng kaniyang
pamilya, at si Vice Governor Elect Atty. Boy Quimpo, pamilya ng mga nagtapos na
Board Members at ang mga department heads ng probinsya.
No comments:
Post a Comment