Posted July 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagsagawa kaninang umaga ng Inaugural Session ang bagong
set ng administrasyon ng Malay sa pangunguna ni Mayor Ceciron Cawaling at
Vice-mayor Abram Sualog.
Kasama rin dito ang Sangganuniang Bayan member kung saan
nagkaroon sila ng adoption ng Internal Rules ng procedure ng SB Malay at privilege
speech na sinundan naman ng suspension ng rules, presentation ng municipal
mayor sa kanyang mga plano at programa at direksyon ng LGU para sa susunod na
tatlong taong panunungkulan.
Nagka-isa naman ang konseho at buong department heads ng
Malay sa pagsuporta sa mga programang inilatag ni Mayor Cawaling para sa
kanyang pag-upo ngayong admistrasyon.
No comments:
Post a Comment