Posted June 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isang EXIT Community meeting ang isinagawa ng Boracay
Redevelopment Task Force (BRTF) kahapon para sa pagpapalit ng administrasyon sa
bayan ng Malay.
Ito ay sa pangunguna ni Glenn SacapaƱo Boracay Island
Chief Officer at ni BRTF Secretariat Head Mabel Bacani.
Dito tinalakay ang final report at courtesy ng
administrasyon ni outgoing Mayor John Yap at ng BRTF na naglingkod sa publiko
ng tatlong taon sa isla.
Ilan lamang sa tinalakay sa final report ay ang
pagpapatupad ng 25+5 Build Zone Regulation easement, Environmental Preservation
and Protection, Investment Promotions at Wildlife Conservations.
Kabilang din dito ang road setback, pag-review ng Forest
Development, pag-regulate ng coastal zoning para sa swimmers at water sport
activities, at pag-regulate ng paggamit ng Manoc-manoc port sa pamamamgitan ng
undertaking for accountabilities.
Ang EXIT Community meeting ay dinaluhan naman ng PCCI
Boracay, BFI, private sector, LGU Malay, Brgy. Officials at DENR.
No comments:
Post a Comment